MAYOR DEL
R. DE GUZMAN
STATE OF
THE CITY ADDRESS
4th
Regular Session of the 6th City Council of Marikina
9 January
2013
Epekto ng Ondoy at 50% discount sa buwis ang dinatnan namin
nina Vice Mayor Fabian Cadiz at Congressman Miro Quimbo nang maupo kami sa
puwesto nung July 2010.
Kung kaya’t sa panahon na nasa calamity mode pa tayo ay siya
namang pilay ang kakayanan natin dahil sa laking kabawasan natin sa pondo.
Pero tutuo ang kasabihan na may oportunidad sa bawat krisis
kasi nabigyan naman tayo ng pagkakataon itong nakaraang tatlong taon para
madiskubre muli ng Marikina ang ating habag at pakikipagkapwa tao. Marikina rediscovered its humanity – as a
city and as a people.
Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayu-tayo ring mga
Marikenyo?
Kaya tanggap ko lang kung may pagbabatikos dahil klaro naman
sa akin ang misyon namin sa pamahalaan sa panahon na pare-pareho pa tayong
bumabangon mula sa long-term effect ng state of calamity. In times of crises,
we have to take care of each other.
Yan ang natutunan ko sa aking mga magulang. Yan din ang
natutunan ko sa Boy Scouts. Isinasabuhay ko lang yung “… to help other people
at all times” na rinerecite namin sa Boy Scouts Oath. Ito kasi ang naging
guiding principle ko sa aking dalawampung apat na taon sa public service.
Marami naman sa atin ang pamilyar sa panata, di ba? Tulad
ngayon na kasabay ng aking kaarawan ang Pista ng Nazareno. Milyun-milyon ang
nagpapakahirap diyan bilang pagtupad sa aming mga panata.
Para sa akin ang
isang panata ay sagrado … ang isang sinumpaan ay tinutupad at sinasabuhay!
Akmang-akma nga ang Tunay na Kaunlaran, Tao Naman na
governance philosophy natin sa pangangailangan ng panahon. Kaya’t minabuti ko
na dito sa Marikina Sports Park ganapin ang aking taunang ulat sa bayan para
naman makasama ko kayo – ang mga taong malapit
sa aking puso at naging malaking bahagi ng aking buhay.
Marami sa inyo na nandirito ngayon mula sa hanay ng gobyerno
at mga komunidad ay mga kasama ko pa mula noong ako ay isang youth leader,
naging konsehal nung 1988, vice mayor nung 1992, congressman nung 2001, at
ngayon naman bilang punong lungsod.. Malalim-lalim na ang ating pinagsamahan at
malayu-layo na rin ang narating ng samahang iyan.
Kung susumahin, dalawampung apat na taon na public service.
Twenty four years of meaningful and fruitful partnership.
Ito namang nakaraang
2012, ito po ang resulta ng ating pagtutulungan:
§
Dahil sa husay ng Sapatos Festival Committee,
na-overshoot nang 86% ang unang sales target na P20 million at naging P37.2
million! Hindi lang bumalik ang recognition ng Marikina bilang Shoe Capital
dahil sa tagumpay ng Sapatos Festival, kinikilala pa tayo ngayon bilang Sports
Hub at Bike Capital ng Pilipinas.
§
Patuloy ang paggawad sa Marikina ng iba’t ibang
parangal. Sa taong 2012, apat ang ating natanggap mula sa DOH at sa WHO Healthy
Cities. Suki na talaga ang ating City Health Office sa mga awards ng DOH. At
ito lamang Lunes ay meron na naman tayong Good Housekeeping Award – pangalawa
na ito mula sa DILG. Kung yung una ay bronze, ngayon naman ay Silver award na.
Maliban sa kinikilala ang Marikina sa galing natin sa conceptualization at
implementation ng mga programa – ngayon, pati na sa government transparency at
accountability.
§
Madali tayong nakabangon sa baha ng Habagat. Dahil sa foresight at pakikipagtulungan ng mga
private contractors at volunteer groups, dalawang linggo lang ay naibalik na
natin ang kaayusan sa ating lungsod.
§
Ang mga bagong gusali ng PLMar, CICL, at
Legislative Building ay nasimulan na at inaasahang matatapos ngayong taon. Sa
pasukan sa Hunyo ay magagamit na ang 72 classrooms ng PLMar Phase I.
§
May state of the art traffic lights with
countdown timer na tayo sa Sumulong-Shoe Avenue at Sumulong-Gil Fernando.
§
Patuloy ang CEMO sa mga innovative at effective
environmental programs nito kaya pinupuri at ginagaya ng ibang bayan.
§
Nakapaglaan tayo ng Educational Assistance sa
1,500 mag-aaral upang masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
§
Ang Office of the Vice Mayor naman ay kinilala
ng Dangerous Drugs Board dahil sa pagpapatupad ng pinaka-epektibong Drug
Education Program sa buong bansa. Sa tulong ng Kalinga Party List ay inihahanda
na ang konstruksyon ng dalawang palapag na bagong Marikina Rehabilitation
Center na mayroong pasilidad na tutugon sa pangangailangan sa rehabilitasyon ng
mga nagugumon sa droga.
§
Muli kong pinupuri at pinasasalamatan ang 6th
City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Fabian Cadiz sa mga ordinansa at mga
resolusyon na pinasa nila para lalo pang palakasin ang ating peace and order at
fiscal capabilities.
§
Pinasasalamatan ko rin ang ating dalawang
magiting na Congressmen Marcy Teodoro at Miro Quimbo sa kanilang mahusay na
performance sa Kongreso at sa mga iba’t ibang proyektong kanilang
naisakatuparan sa nakaraang taon.
§
Pinasasalamatan ko rin ang lahat ng Department
Heads na kahit nag-aadjust pa sa kaibahan ng nakasanayan ng management style ay
lumabas pa rin ang kanilang anking abilidad at ekperiyensa sa pagpapatakbo ng
gobyerno.
§
Sa mga Kapitan at Kagawad ng Barangay, maraming
salamat sa inyong patuloy at aktibong pakikiisa sa kabila ng malaki ninyong
kakulangan sa pondo.
Ngayong 2013, sa silver anniversary ng aking pagsisilbi sa
publiko, asahan nyo na patuloy kong tutulungan ang bawat mamamayan na
karapat-dapat matulungan. Hindi po ito dole-out, pantawid gutom lang po ito
para sa ating mga kababayan na kailangan lang ng oportunidad para makabangon
ulit. Pero, hindi po natin kukunsintihin ang mga pasaway!
While we will
continue to be compassionate, we will be firm in our enforcement.
Ngayon pa lang, inaatasan ko na ang :
§
City Social Welfare and Development Office na siguraduhin na walang
nagsasamantala sa ating tulong para klaro sa lahat na hindi natin kinukunsinte
ang culture of mendicancy dito sa Marikina.
§
Sa Center for Excellence at sa Marikina Livelihood
Training Center, tulungan nyo na maragdagan ang kita at ang mga kumikita sa bawat
pamilya. Equip them with additional knowledge and skills to increase their
chances of getting hired or succeeding in a business.
§
Sa Labor Relations and Public Employment
Services Office -- na triplehin ang bilang ng mga residente na
nabibigyan natin ng regular na trabaho.
§
At sa City Council, hinihiling ko na makapagpasa
ng mga ordinansa para siguraduhin na di tayo biktimahin ng mga taong pinatuloy
natin sa ating mga settlement sites. Mahirap naman yung kinukupkop na natin ay
paulit-ulit pang gumagawa ng krimen dito sa ating minamahal na lungsod.
Maaaring napapansin ninyo na unti-unting nawawala ang kinang
ng ilan sa ating best practices sa good governance? May mga pasaway na vendors at
mga sampayan sa bangketa, muling nagpaparamdam ang mga nakahubad sa lansangan,
at maingay muli ang mga videoke sa dis-oras ng gabi. Mali yata ang
pagkakaintindi ng iba nating kasama sa pilosopiyang “Tunay na Kaunlaran, Tao
Naman.”
Nakakalungkot na ang dali naman nating binitawan ang isang
bukod-tanging yaman ng Marikina na nais tularan ng ibang bayan.
Dapat nating itama agad ang kamaliang ito at manumbalik
dapat ang kaayusan at displina sa Marikina para na rin sa ating kapakanan.
Marami pa tayong krisis na haharapin sa mga darating na taon. Pero malaki ang
ating tsansa na malagpasan ang mga ito, kung tulad ng dati, haharapin natin ito
nang may pinagsamang lakas.
Lalo na kung nalalapit na ang aking pangako na “tunay na
kaunlaran.”
Ano ba ang tunay na kaunlaran?
Real prosperity and
development for me is when Marikina becomes the preferred city for new
residents … new investors … and visitors by 2019.
Kaya’t kung napansin ninyo noong 2011 lumabas ang “Make it
Marikina!” bilang positioning statement natin. Preparasyon ito para sa ating
vision for 2019.
Ang Make it Marikina! ay isang place marketing campaign para
maka-attract tayo ng mga bagong residente, karagdagang negosyo, at mas maraming
turista sa Marikina.
Sa tunay na kaunlaran, lahat tayo panalo. Lahat tayo
makikinabang.
Pagsikapan natin na magtagumpay ang kampanyang ito dahil
malaki ang maia-ambag nito sa kaban ng ating lungsod.
Ito ay paraan para dumami ang magbabayad ng buwis at dumami
ang mangangailangan ng goods and services sa isang lugar. Expanding the tax
base and the market base ang benepisyong idudulot nito.
Kung mas marami ang nagbabayad ng sapat na buwis, mas
maraming pondo ang pamahalaan para sa mga proyekto nito. Pag mas maraming may
capacity to pay o disposable income, lalago ang negosyo at mas malaki ang buwis
na kanilang babayaran.
Kung inyong iisipin, paano mo ba talaga malalaman kung
epektibo ang ginagawa mo or tama ang ginagawa ng namumuno sa pamamalakad ng
isang lungsod?
Para sa akin, ang batayan ng good governance ay kung
makumbinse mo ang ibang tao (outsiders) na tumira sa lugar mo … na magnegosyo
sa inyo … at, magliwaliw at gumastos sa mga pasyalan ninyo. Ibang
klase pag iba ang pumupuri sa iyo o nagpapatotoo tungkol sa mga positibong
bagay ng bayan mo. Tama po ba?
Maraming puwede mag-claim na tama ang kanilang pamamalakad –
pero kung ayaw tumira, mamuhunan, o mamasyal ang mga tao sa inyo … walang ibig
sabihin ang lahat ng pagbubuhat natin ng sariling bangko.
Lahat ng ating nagawa, lahat ng awards na ating tinanggap ay
walang saysay kung di naman ito magbibigay daan sa pag-unlad ng ating
ekonomiya.
Malaking-malaki na ang inunlad ng ating pamumuhay o quality
of life dahil sa malaking kontribusyon ng mga nakaraang punong lungsod.
At dahil diyan at sa brand equity ng Marikina, naniniwala
ako na maraming gusto ring matikman ang sinasabing quality of life na yan
nating mga Marikenyo. But we have to do our homework first!
Sa ating Vice Mayor at mga konsehal, mga department heads,
at mga barangay officials … i-incorporate nyo na ang “Make it Marikina!” sa
inyong mga future plans and programs para iisa lang ang direksyon ng ating
pamamalakad.
Ilan sa ating mga
proyekto na gagawin at sisimulan ngayong 2013:
To attract new
residents
Kung gusto nating maraming middle to upper class families
manirahan dito sa atin, kailangan maibsan ang kanilang mga pangamba sa baha at
kriminalidad.
§
Patuloy ang representation natin sa national
government para sa dredging, water containment dams, at iba pang flood control
projects at disaster mitigation programs.
§
Sinisimulan na natin at ng DPWH ang Road Dike na
magdudugtong ng Bgy. Tumana sa Bgy. Nangka. Although by phase ito, ang pangako
sa akin ay tatapusin natin ito in two years.
§
Subsidize building permit fees para sa mga
nakatira sa danger zones na gagamit ng adaptive architecture sa kanilang
construction at renovations.
§
Continued Drainage improvement and clearing of
waterways.
§
Bagong opisina para sa Marikina Riverpark Office
at Marikina Disaster Risk Reduction Management Office. Kailangan high-tech ang
ating war room para ito na ang kukunan ng media at hindi na ang ating ilog.
§
Sa PNP, gawing mas epektibo ang kampanya laban
sa krimen para manumbalik ang katahimikan sa Marikina. At kung kakailanganin
iimplement ang 3-strike policy ay gagawin natin kung yan ang kailangan.
§
Para ligtas ang ating mga lansangan, dadagdagan pa
natin ang pa-ilaw sa mga madidilim na kalye at magpapakabit tayo ng CCTV
cameras sa mga strategic na lugar para mabawasan ang krimen. Kaya’t naglaan pa
tayo ng karagdagang P12 million para sa pa-ilaw.
§
Pangarap ko na kahit ang mga reckless driver ay
biglang umaayos pagdating sa boundary ng Marikina. CTMDO, gawin ninyong parang
Subic ang Marikina pagdating sa traffic compliance ng mga motorista.
§
Sa edukasyon, lalo pa nating palalakasin ang
kapabilidad ng lahat ng antas – pati na sa Special Education o SPED – na makapagbigay
ng quality education para maging competitive sa workforce ang mga graduates
nito.
§
Sa kalusugan, iba-ibang equipment para i-augment
ang Lying-In clinics ni Cong. Quimbo at mga health centers natin.
§
Iniutos ko na ang pagdistribute ng 100,000
transistor radios para sa DEL Radio nang sa ganun lahat ng bahay ay well-informed
sa ating mga programa at madali nating ma-warningan pag may disaster.
§
Kung papalarin ay makukuha rin natin ang 1206
kHz frequency ng dating MMDA Radio sa tulong ng PCGG at kung ma-donate sa atin
ni Chairman Francis Tolentino ang mga dating equipment nito, abot na sa buong
Metro Manila ang ating DEL Radio.
To attract new
investments
§
Creation of a separate Trade and Investment Office
and Cultural and Tourism Office.
§
Maximize government assets by converting them
into more productive use that spur investments.
§
Pagtatayo ng Kabuhayan Center o Trade Fair
Building na nagkakahalaga ng P15 million sa dating Tambay Kay Lim.
§
Maghikayat tayo ng mga bagong investors na
magtayo ng sports facilities at modern sports venues dito sa Marikina para
ma-complement ang Marikina Sports Park.
To attract more
visitors
Mayroon tayong tatlong taon na preparasyon para maging
kaaya-aya ang ating sports tourism program, ang Marikina Riverpark, at ang
ating bikeways at greenways. Sulit naman buhusan ng pondo ang mga ganitong
programa kasi mag-gegenerate din naman sila ng revenue para sa bayan. Ito ay
bahagi ng ating programa.
§
Napakalaki ng potensyal ng sports tourism kaya’t
bubuo tayo ng programa para palakasin ang ating pagiging Sports Hub para lalong
dayuhin at mas malaki ang kitain ng ating Sports Park at iba pang sports
facilities.
§
Ilunsad natin ang Marikina Bikeways and
Greenways sa tulong ng Ateneo School of Government, Rockefeller Foundation at
Asian Development Bank. Kasama dito ang bike share program, bike tours ng
heritage sites, extension ng bikelanes hanggang Eastwood City at Katipunan
Avenue. Mag organize din tayo ng pledging session para sa corporate sponsors na
tutulong na marehabilitate natin ang existing bikeways.
§
Ang pangarap ko para sa Marikina Riverpark ay
maging parang Boat Quay at Clarke Quay ito sa Singapore na dinadayo ng mga
turista. Kasama na sa plano ang Canopy Walk, mas exciting na Animal Trail,
floating swimming pool, e-jeeps sa magkabilang pampang, may mga branded
international food chains at bars, atbp.
Kung ang Make it
Marikina! ang nagbibigay buhay sa ating pangarap na dumami ang mga may kaya na gustong
manirahan, magnegosyo at mamasyal dito sa atin … Ang Serbisyo 24 naman ang
paraan kung papaano natin makakamit ang pangarap na ito.
Kailangang ayusin muna natin ang ating tahanan bago
mag-imbita tayo ng mga bisita.
Lalo pa natin ayusin ang basic services. Magtatalaga tayo ng
mga bagong mamumuno at ililipat natin ang ilang department heads kung saan
higit silang nababagay at makakatulong.
Sa Serbisyo Beinte Kuwatro, maramdaman ng tao na maaasahan
nila ang pamahalaan sa oras ng peligro. Anumang oras iyon.
Round the clock service … ito ang Serbisyo Beinte Kuwatro.
Reliable at consistent … yan ang Serbisyo Beinte Kuwatro.
Bawat oras, serbisyo sa tao. Ito ang aking buhay. Ito ang
aking isinabuhay nitong nakaraang dalawampung apat na taon. Ika nga, serbisyo
beinte kuwatro.
Ang Serbisyo 24 ay “compassionate yet firm” enforcement ng
mga batas at ordinansa na bahagi na ng ating “way of life” dito sa Marikina.
Kap. Odie Francisco … yan ang Serbisyo 24! Mainam na rin na
ipangalan ng Konseho kay Kap. Odie ang Bayanbayanan Avenue bilang pagkilala sa
kanyang serbisyo sa ating bayan.
Serbisyo 24! Ito ang panata ng lokal na pamahalaan sa mga
naninirahan at nagnenegosyo dito sa Marikina. Serbisyo 24! At inaasahan ko rin na ito ay magiging panata ng bawat isang opisyal at kawani ng city
government. Serbisyo 24!
Kung inyong iisipin, ang Serbisyo 24 ay pagsasabuhay ng
madalas nating binibigkas kada Lunes sa Panunumpa
ng Isang Lingkod Bayan …
“Ako’y isang lingkod-bayan / katungkulan ko ang maglingkod / nang
buong katapatan at kahusayan / at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking
bayan.
Magiging bahagi ako / ng kaayusan at kapayapaan sa pamahalaan / at magiging
halimbawa ako / ng isang mamamayang masunurin / at nagpapatupad ng mga umiiral
na batas at alituntunin / nang pantay-pantay at walang kinikilingan
Magsisikap akong patuloy na maragdagan / ang aking kabatiran at
kaalaman / ang bawat sandali ay ituturing kong gintong butil / na
gagawin kong kapaki-pakinabang.
Lagi kong isasaalang-alang ang interes ng nakararami / bago ang
pansarili kong kapakanan / isusulong ko ang mga programang mag-aangat /
sa antas ng kabuhayan ng mga mahihirap / at aktibo akong makikibahagi / para sa
mga dakilang layunin sa lipunan.
Hindi ako magiging bahagi / at isisiwalat ko ang anumang katiwalian /
na makakaabot sa aking kaalaman / sa lahat ng panahon / aking pagsisikapang makatugon
/ sa hamon sa lingkod bayan. / ang lahat ng ito / para sa ating Dakilang Lumikha
/ at sa ating bayan / kasihan nawa ako ng Panginoon.”
Ang sumpang ito ang aking panata sa sambayanan ng Marikina.
Sisiguraduhin ko sa inyo na ang sumpang ito … ang panatang
ito … ay seseryosohin at isasabuhay ng bawat opisyal at empleyado ng munisipyo.
Tandaan ninyo, ang
panata ay sagrado at tinutupad.
Ngayon … pwede naman ba … na ako naman ang maglambing sa
inyo?
Kailangan kong muli ang tulong ninyo. Marami kasi ang nagsasabi na masyado raw mabait si Mayor Del at dahil dito marami daw ang umaabuso. Isa raw itong kahinaan – weakness ko raw ito. Pero, naniniwala ako na ito ang ating lakas. Lalo na kung pagbibigyan ninyo ako sa aking kahilingan. Puwede po bang maging ehemplo o modelo sa pagtupad sa ating mga batas at mga ordinansa ang bawat isa sa inyo?
Kailangan kong muli ang tulong ninyo. Marami kasi ang nagsasabi na masyado raw mabait si Mayor Del at dahil dito marami daw ang umaabuso. Isa raw itong kahinaan – weakness ko raw ito. Pero, naniniwala ako na ito ang ating lakas. Lalo na kung pagbibigyan ninyo ako sa aking kahilingan. Puwede po bang maging ehemplo o modelo sa pagtupad sa ating mga batas at mga ordinansa ang bawat isa sa inyo?
Sinasabi nila na kung si Pacquiao daw ay may laban … walang
krimen na nagaganap sa kalunsuran. Tama po ba ito? So, hindi naman
siguro kalabisan kung dahil sa ating matagal na pinagsamahan at pagrespeto sa
isa’t isa ay kayo mismo ang mangunguna sa pagtupad sa ating mga batas at
ordinansa?
Maaasahan ko ba ito galing sa hanay ng mga Batang Coop?
Maasahan ko ba ito sa hanay ng OK Del Movement? Lapiang Liberal sa Marikina?
Yan naman ang panata ninyo sa ating bayan at sa mga kapwa
nating Marikenyo!
Tandaan ninyo, ang
panata ay sagrado at isinasabuhay. Nagkakaintindihan po ba tayo?
Kung gayon, sa araw na ito na tayo ay nagpalitan ng panata …
ito na ang huling araw ng padrino system sa Marikina! Tigilan na natin ang
padrino system sa Marikina bilang kontribusyon natin sa tuwid na daan ng ating
Pangulong Aquino.
Sa mga opisyal at empleyado ng munisipyo – ang marching
orders ko … pairalin ang batas nang walang kinatatakutan o kinikilingan.
Nandito ako sa likod ninyo!
Sa mga residente, homeowners at community associations, mga
taong pinagsilbihan ko na nang 24 na taon – kailangan ko ang inyong
pagmamalasakit na manguna sa pagsunod sa batas … maaasahan ko ba kayo?
Gawin nating partnership ang Serbisyo 24 – dahil dito sa
Marikina, pati ang mga mamamayan ay nagsisilbi rin sa kanilang kapwa Marikenyo!
Isantabi na natin ang mga dahilan ng ating mga di
pag-uunawaan. Panahon na para makiisa at magmalasakit muli!
Bale-wala ang lahat ng ating pinagsisikapan – kung tayo ay
di magkaisa bilang mga Marikenyo. Panahon na para sumulong bilang sangkatauhan.
Iba-iba man ang ating politika at paniniwala, may panahon sa buhay ng bawat tao
na kailangang isantabi ang mga dahilan ng ating dibisyon para humugot ng lakas
mula sa mas may saysay na pangitain at layunin.
Bukas ang aking pinto. Mag-usap tayo. Hindi ko kaya mag-isa
ito. Kailangan ko ang tulong ninyo.
The time has come for us to roll up our sleeves, serve our
people well; and welcome new residents, more investors, and visitors – TOGETHER. For the greater good of
Marikina!
Maraming, maraming salamat po!